==>for the list and title of blog entries, scroll down this page, its on the right side of your screen and go to "blog archive" and click the "arrow(triangle)" until the titles are revealed(the TRIANGLES should ALL be pointing DOWN)^^ NOTE==> i transferred the travel blog to this webpage/link http://www.nnylanna-piberg.blogspot.com ^^ NOTE==> here's the webpage/link for my Asian Drama Reviews http://www.pibergADreviews.blogspot.com ^^
Sunday, August 29, 2010
==> KULANG PA BA?
*to my english speaking friends, who do not understand pilipino or tagalog, im afraid this entry is not for you. not because i dont want you to understand what's written here but because i felt that this one is better said in my native tongue. BUT, if you insist on knowing the english translation of this, send me a message on FB or on my email account and i'll get back to you.
*parang sinasapian yata ako ng isa sa mga iniidolo kong manunulat na si ginoong conrado de quiros, dahil ito ang minsang kong natutunan sa kanya. na kung ang isusulat mo ay para sa mga Filipino, isulat mo sa wikang Pilipino.
----------oooOOOooo------------
tatagalugin ko na to at ng mas maliwanag.
tutal naman, ang gusto ko namang iparating eh para sa kapwa ko pilipino.
ayoko na nga sanang patulan ang tungkol dito, pero habang tumatagal parang di ko na gusto ang nangyayari, mukhang lumalala tayo.
mapagpasenya kong tao, pero pag sobra na, sinasapian na ko ng dati kong ugali na di kagandahan. sige, tama kayo, hindi maganda ang naging resulta ng mga pangyayari noong ika 23 ng Agosto. isang malaking trahedya and naganap, maraming namatay, malungkot ang mga Intsik at galit sila sa atin. sa madaling salita, bugbog sarado ang imahe ng pilipinas sa kanilang bansa. isang napakalaking blackeye ang ngayon ay nasa mga mata ng bansang Pilipinas. ARAY KO! tinanggalan ng trabaho ang ilang pilipino doon, pinagsasalitaan ng di maganda sa tren(MTR), sa bus at mga tindahan. nung una ang reaksyon ko sa lahat ng ito eh kagaya rin ng iba sa inyo. ang katwiran ko, sige tanggapin na lang natin ang lahat, kasi namatayan sila, nasaktan at aminin natin may mga pagkukulang tayo. palpak ang police, palpak ang gobyerno, palpak ang mga mamamahayag natin, palpak ang buong pilipinas! yan ang sentimiento ng mga Intsik pero ang nakakalungkot, tinutulungan pa natin sila na bugbugin ang sarili natin at tanggapin na wala tayong kwentang bansa. isang napakalaking kahangalan na hayaan natin silang abusuhin ang nararamdaman nating kalungkutan sa mga pangyayari sa pamamagitan ng pagtanggap ng lahat ng pagmamalabis na ito. tama bang pagbayaran ng buong pilipinas at ng bawat pilipino ang lahat ng magiging pagkakamali o kakulangan ng isa o iilan? tama ba yon? may nakapagsabi sa akin, "bakit tayo tuwing may uuwing pilipinong pinatay ng kanilang amo sa ibang bansa ng dahil sa pagmamalupit nila dito, hinahayaan lang natin, pinapayagan, wala tayong galit sa kanila". may katwiran ang tanong, pinagisip ako. dahil kaya mas mabait tayo kaysa sa kanila? hindi naman siguro. mukhang ang tunay na dahilan eh wala tayong masyadong pagtingin sa sarili natin. ang katwiran natin lagi, talagang ganyan ang buhay. MALI, hindi ganyan ang buhay, pag tinatapakan ka, tumayo ka at ipagtanggol mo ang sarili mo. ganon ang mabuhay. pero...
nakakapagod din palang sisihin ng sisihin ang sarili mo at sipasipain pa, lalu nat bagsak ka na para sa isang bagay na talaga namang di mo alam na kung nangyari sa isang mayamang bansa eh di rin ganon ang magiging katapusan... na marami ring mamamatay. ang hilig kasi natin ikumpara ang sarili natin sa mga mayayamang bansa, akala natin patas ang pagkukumparang yon. nalilimutan natin na wala tayong pera para bumili ng mga armas na meron sila, walang pagsasanay ang ating polisya na gaya ng sa kanila, sa lahat ng bagay, kapos tayo. sasabihin ng iba, kasi kinukurakot ng mga nanunungkulan ang pondo ng bayan, tama, pero kaibigan kung di mo makita na mas malalim ang ugat ng lahat ng problema natin sa korupsyon, eh nakakaawa ka. tanggapin atin ang katotohanan na kung minsan, MASAKIT ANG MANGGALING SA ISANG MAHIRAP NA BANSA, maging mga sarili mong mamamayan, gusto kang tapakan. hanggat patuloy nating ginagawa ito sa sarili natin, huwag na tayo umasa ng respeto mula sa ibang lahi.
ang makiramay ba tayo at ipagdasal ang mga biktima, ang papanagutin ba natin ang mga may sala at nagkulang, ang humingi ba ng tawad at pangunawa sa pangunguna ng atin mismong pangulo sa isang pangyayari na sinimulan ng isang pilipinong maliwanag na wala na sa tamang pagiisip eh KULANG PA BA? ANO PA BA ANG DAPAT NATING GAWIN? ANO PA BA ANG GUSTO NILA SA ATIN?
Subscribe to:
Posts (Atom)